Aug. 2, 2010
DBCC, layuning mapataas sa apat na bilyong piso ang kanilang pondo
Ipinakita sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang national government privatization revenue na layuning mapataas sa apat na bilyong piso ang kanilang pondokumpara sa ngayong taong programa.
Sinabi ni Finance Undersecretary gil S. Beltran na hindi npa nakakapagdesisyon ang gobyerno kung anong asssets ang mapapabilang sa P6B privayization program.
Ayon naman kay Finance Secretary Cesar Purisima na tinatapos na ng gobyerno ang imbentaryo ng lahat ng assets upang mas maagang malaman ang pangunahing properties na isasapribado.
Dagdag pa niya na pagaaralang mabuti ang kanilang privatization strategy dahil gusto nilang mapaataas ang kanilang pondo nang hindi pinagbibili ang yaman ng bansa.
DOTC, magiimbestiga sa anomalya sa MRT
Ipinahayag ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kahapon na nagkakaroon na ng matinding imbestigasyon sa kumakalat na malaking anomalya sa Metro Rail Transit.
Sinabi ni DOTC Undersecretary for Public Information Dante Velasco na ang kanilang departamento ay uupo sa MRT Build Lease Transfer (BLT) contractor, Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at ang MRT Development Corporation (MRT DevCo) upang malaman ang pinansyal na estado ng Edsa- bound Rail Line.
Sinabi pa niya na ang DOTC ay nakahandang malaman kung ang gobyerno o ang MRTC at MRT DevCo ang may mas malaking layabilidad dito.
Ang DOTC ay sinusubukang makakolekta ng higit pa sa isang bilyong piso mula sa MRT Devco para sa hindi bayad development rights sa MRT advertising spaces.
No comments:
Post a Comment