July 27, 2010
PEACE TALK muling magbabalik pagkatapos ng Ramadan
Sinigurado ni Pangulong Noynoy Aquino na muling magbabalik ang “Peace Talk” sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic rebels sa Mindanao pagkatapos ng ramdan sa katapusan ng Nobyembre.
Sinabi ng Pangulo na dapat matuto tayo sa pagkakamali ng nakaraang administrasyon as pagkakaroon nang kasunduan nang hindi sumasangguni aspubliko sa pagtukoy nito sa Agreement on “Ancestral Domain” o (MOA-AD) noong taong 2008.
Dagdag pa niya na hindi bulag ang kanyang administrasyon at ang sambayanang Pilipino sa mga hakbang na ginawa ng nakaraasng administrassyon na may bahid pulitika at pansariling interes.
Inulit din ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address ang pangako niya na pakikipag-usap tungkol sa kapayapaan sa mga stakeholders sa Mindanao.
Itinalaga niya si UP Law Dean marvic Leonen bilang Panel chairman na sinisimulan nang makipag-ugnayan sa Moro Islamic Liberation Front.
No comments:
Post a Comment