Aug. 5, 2010
DepEd, naghain ng P380B budget para sa 2011
Hihingi ang Department of Education ng P380B na budget para sa susunod na taon, mas doble kumpara sa pondo nila ngayong 2010.
Ito ay upang matugunan ang mga kakulangan ssa silid aralan, mga guro, educational materials at mga pasilidad para sa edukasyon ditto sa ating bansa.
Sinabi na bagong DepEd Undersecretary for Finance and Administration Francisco Valera na ang kanilang ahensiya ay nakikipag-usap sa Department of Budget and Management tungkol sa kanilang inihahaing budget para sa edukassyon sa taong 2011.
Minamadali nila ang proposal upang mameet ang deadline sa pagsusumite ng proposed budget sa kongreso sa ikatlong lingo ng buwan.
Si Valera ay itinalaga sa kanyang pwesto noong August 1.
Ombudsman buo ang suporta sa Truth Commission
Ipinahayag ng Office of tha Ombudsmanang kanilang buong suporta sa pagbuo ng Truth Commision kahit marami ang kumukwestyon sa legalidad nito.
Ayon kay ombudsman Merceditas Gutierez na siya at ang kanyang mga kasamahan ay hindi kinikwestyona ng function ng truth Commission na magimbestiga sa mga kumakalat na anomalya sa nakaraang administrasyon.
Dagdag paniya na ang Anti- graft Body ay handing makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na maaaring makatulong upang maapatunayan ang mga dating opisyal ng gobyerno na nagkasala at nanloko sa publiko.
Sila ay makikilahok sa mga proceedings ng komisyon na inatasan ni Pangulong Noynoy Aquino na imbestigahan ang mga anomalyang naganap sa termino ng dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo kabilang na ang fertilizer scam at ZTE broadband deal.
No comments:
Post a Comment