Friday, August 6, 2010

Aug. 3, 2010


25 na piloting piloto pinababalik sa kanilang trabaho loob ng pitong araw

Inutusan ng management ng Philippine Airlines (PAL) kahapon ang dalawampu’t limang piloting Pilipino na bumalik na sa kanilang trabaho sa loob ng pitong araw kung hindi ay mahaharap sila sa criminal at administrative charges.

Sinabi ni PAL President Jaime bautista na sasampahan nila ng kaso ang labing tatalong piloto at labin dalawang first officers na nagging dahilan ng pagkansela ng labing isang flights noong sabado at lingo.

“ Kami ay may 150 flights sa loob ng isang araw at sa limang nakansela, ito ay maaring makaapekto sa limang libong katao” pahayag niya.

Nagkansela kahapon ang PAL ng apat na domestic flights dahil sa kakulangan sa piloto.





EU, nagbigay ng2.1 million euros para sa Pitong Disaster Risk Reduction na proyekto sa Pilipinas



Inaprubahan kamakailan ng Europian Union (EU) ang pagbibigay na nnagkakahalagang 2.1M euros (P125M) para sa pitong disaster risk reduction project sa Pilipinas.

Sinabi ni EU Ambassador Alistaire Macdonald na ang kanilang samahan ay sinusuportahan ang mga golabal risk reduction sa pamamagitan ng pagtulong sa mga local na komunidad na makaahon sa mga nararanasang natural disasters.

“Ipinagmamalaki ng EU na magkaroon ng kontribusyon sa pamamagitan ng local at international partners sa pagiging modelo sa pagpapasa ng batas katulad ng Disaster Risk Management Offices at sa elaborasyon ng Strategic National Action Plan (SNAP) pahayag niya.

Ang pondo ay nabuo sa pamamagittan ng Europian Commissions 7th Action Plan for Disaster Preparedness sa Southeast Asia.

No comments:

Post a Comment