Friday, August 6, 2010

Aug. 4, 2010

DENR, pinatindi ang pagbabantay sa mga hot spot area ng illegal logging

Isiniwalat ng Department of Environment and Natural Resources kahapon ang San Fernando Pampanga bilang crackdown ng illegal logging sa Central Luzonna nakakuha ng 1,000 cubic meters ng assorted forest products na nagkakahalaga ng P12.5M sa loob ng kalahating taon.

Sinabi ni DENR Regional Executive Director Ricardo Calderon na ang kumpiskasyon ay naganap upang mabuhay muli ang kanilang adhikain na matigil ang mga illegal logging operations sa kilalang environmental hot spots ng rehiyon.

Humigitt kumulang dalawang daang forest protection officers at rangers ang nagpapatrol upang mapanatili ang malakas na presensya ng mga hot spot areas para sa illegal logging.

Labing anim na DENR checkpoints ang inilagay sa red alert upang mamonitor ang mga forest products lalo na yung mga galling sa Sierra Madre of nueva Vizcaya, Quirino at Quezon province.



Bagong BoI Chief nagset ng aggressive sales at marketing campaigns for investments

Sinisimulan na ng Board of Investments ang aggressive sales at marketing campaigns sa US at Japan ngayuong taon upang mas mahikayat ang mas maraming foreigners investors particular sa business process outsourcing at light indusrries sector.

Ito ang pahayag ng bagoong DTI undersecretary for tradee and investments Cristino L. Panlilio bago tumungo sa kanyang oath taking ceremony sa Palasyo noong martes.

Dagdag pa niya na hindi lang mga international road shows ang kanilang gagawin kailangan din nilang isaalang alang ang mga sales at marketing campaigns upang mhikayat ang mga investors.

Ang BoI ang pangunahing investment promotion agency ng gobyerno.
Aug. 3, 2010


25 na piloting piloto pinababalik sa kanilang trabaho loob ng pitong araw

Inutusan ng management ng Philippine Airlines (PAL) kahapon ang dalawampu’t limang piloting Pilipino na bumalik na sa kanilang trabaho sa loob ng pitong araw kung hindi ay mahaharap sila sa criminal at administrative charges.

Sinabi ni PAL President Jaime bautista na sasampahan nila ng kaso ang labing tatalong piloto at labin dalawang first officers na nagging dahilan ng pagkansela ng labing isang flights noong sabado at lingo.

“ Kami ay may 150 flights sa loob ng isang araw at sa limang nakansela, ito ay maaring makaapekto sa limang libong katao” pahayag niya.

Nagkansela kahapon ang PAL ng apat na domestic flights dahil sa kakulangan sa piloto.





EU, nagbigay ng2.1 million euros para sa Pitong Disaster Risk Reduction na proyekto sa Pilipinas



Inaprubahan kamakailan ng Europian Union (EU) ang pagbibigay na nnagkakahalagang 2.1M euros (P125M) para sa pitong disaster risk reduction project sa Pilipinas.

Sinabi ni EU Ambassador Alistaire Macdonald na ang kanilang samahan ay sinusuportahan ang mga golabal risk reduction sa pamamagitan ng pagtulong sa mga local na komunidad na makaahon sa mga nararanasang natural disasters.

“Ipinagmamalaki ng EU na magkaroon ng kontribusyon sa pamamagitan ng local at international partners sa pagiging modelo sa pagpapasa ng batas katulad ng Disaster Risk Management Offices at sa elaborasyon ng Strategic National Action Plan (SNAP) pahayag niya.

Ang pondo ay nabuo sa pamamagittan ng Europian Commissions 7th Action Plan for Disaster Preparedness sa Southeast Asia.

News Article

Aug. 2, 2010


DBCC, layuning mapataas sa apat na bilyong piso ang kanilang pondo

Ipinakita sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang national government privatization revenue na layuning mapataas sa apat na bilyong piso ang kanilang pondokumpara sa ngayong taong programa.

Sinabi ni Finance Undersecretary gil S. Beltran na hindi npa nakakapagdesisyon ang gobyerno kung anong asssets ang mapapabilang sa P6B privayization program.

Ayon naman kay Finance Secretary Cesar Purisima na tinatapos na ng gobyerno ang imbentaryo ng lahat ng assets upang mas maagang malaman ang pangunahing properties na isasapribado.

Dagdag pa niya na pagaaralang mabuti ang kanilang privatization strategy dahil gusto nilang mapaataas ang kanilang pondo nang hindi pinagbibili ang yaman ng bansa.







DOTC, magiimbestiga sa anomalya sa MRT


Ipinahayag ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kahapon na nagkakaroon na ng matinding imbestigasyon sa kumakalat na malaking anomalya sa Metro Rail Transit.

Sinabi ni DOTC Undersecretary for Public Information Dante Velasco na ang kanilang departamento ay uupo sa MRT Build Lease Transfer (BLT) contractor, Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at ang MRT Development Corporation (MRT DevCo) upang malaman ang pinansyal na estado ng Edsa- bound Rail Line.

Sinabi pa niya na ang DOTC ay nakahandang malaman kung ang gobyerno o ang MRTC at MRT DevCo ang may mas malaking layabilidad dito.

Ang DOTC ay sinusubukang makakolekta ng higit pa sa isang bilyong piso mula sa MRT Devco para sa hindi bayad development rights sa MRT advertising spaces.

News Article

July 30, 2010

DPWH, inimbestigahan ang posibleng anomalya sa 19 Japanesse Funded Flood Control Projects

Nagsisimuula ng mangalap ng mga dokumento ang Department of public Works and High Ways na magbibigay linaw sa posibleng anomalya sa 19 Japanese funded flood control projects.

Sinabi ni Undersecretary Jaime Pacanan na ang fact finding committee ay binigyan ng ng tatlong araw si Philip Menes ng Project Management Office (PMO) for Major Flood Control and Drainage Project Cluster II na magsumite ng mga dokumento na maaring makatulong sa imbestigasyon.

Ayon sa kalihim ang mga dokumdento ay dapat naglalaman ng lahat ng post ng “ONDOY” at “Pepeng” shorter infrastructure rehabilitation projects.

Dagdag pa niya na mayroon silang sampung araw para makapaglabas ng report batay sa mga dokumentong isinumite.

News Article

July 29, 2010

BIR, umaasa na makakakolekta ng P910B next year

Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kahapon na umaasa silang makakakolekta ng higit pa sa P910B sa susunod na taon.

Sinabi niya na ang BIR collections ng taong 2011 ay matataasan ang P860B collection goal ngayong taon dahil taon taon tumataas ito ng humigit sa sampung porsyento.

Ang Development Budget Coordination Committee ay nagrebisa ng economic growth para sa susunod na taon ng pito hanggang walong porsyento mula 3.8 % hanging 4.7 %.

Ngayong taon inaasahan na lumago ang ekonomiya na lumago ang ekonomiya mula 5% hanggang 6%.

News Article

July 28, 2010

Coloma at Carandang itnalaga bilangv Chief Communicators ng Aquino Administration


Ang government’s communication group ay magkakaroon ng dalawang Chief Communicators ng Aquino Administration bilang mga Press Secretaries.

Ito ay sina Herminio Coloma, dating Transportation Undersecretary at Ricky Carandand dating television news anchor.

Sinabi ni Carandang na siya ang mamamahala at tutulong sa pangulo pagdating sa mga mensaheng nais nitong ipabatid sa publiko.

Si Coloma naman ang mamamahala sa pagpapakalat ng impormasyon at sa operation ng bagong communication team.

News Article

July 27, 2010


PEACE TALK muling magbabalik pagkatapos ng Ramadan


Sinigurado ni Pangulong Noynoy Aquino na muling magbabalik ang “Peace Talk” sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic rebels sa Mindanao pagkatapos ng ramdan sa katapusan ng Nobyembre.

Sinabi ng Pangulo na dapat matuto tayo sa pagkakamali ng nakaraang administrasyon as pagkakaroon nang kasunduan nang hindi sumasangguni aspubliko sa pagtukoy nito sa Agreement on “Ancestral Domain” o (MOA-AD) noong taong 2008.

Dagdag pa niya na hindi bulag ang kanyang administrasyon at ang sambayanang Pilipino sa mga hakbang na ginawa ng nakaraasng administrassyon na may bahid pulitika at pansariling interes.

Inulit din ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address ang pangako niya na pakikipag-usap tungkol sa kapayapaan sa mga stakeholders sa Mindanao.

Itinalaga niya si UP Law Dean marvic Leonen bilang Panel chairman na sinisimulan nang makipag-ugnayan sa Moro Islamic Liberation Front.