Binay, nanumpa bilang bagong chairman ng HUDCC
Nanumpa ang ikalawang pangulo Jejomar Binay bilang bagong chairman ng Housing and Development Coordinating Council o (HUDCC) kahapon pagkatapos ay dumalo sa isang cabinet meeting sa Palasyo.
Si Pangulong Noynoy Aquino ang namahala sa panunumpa ng Bise Pressidente sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Malacanang.
Ipinagbawal ang pagdalo ng mga mamamahayag at tanging mga photographers at television crew ang pinayagang makapag-rekord ng seremonya.
Nauna nang tinanggap ni Binay ang alok ng pangulo bilang bagong mamumuno sa HUDCC at sinabi niya na handa siyang tumulong sa ating punong ehekutibo sa pagpapatupad kanyang mga adhikain para sa ating bansa.
AFP, nagbigay pugay sa bagong AFP Vice Chief of staff
Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines kahapon ang ikalawang pagpupugay sa top level revamp Army Commanding General, Lt. Gen. Reynaldo Mapagu sa pagtanggap bilang ikalawa sa pinakamataas sa organisasyon at iba pang siyam na heneral na pinangalanan at inaprubahan ni Pangulong Noynopy Aquino.
Siya ng inirekomenda ng AFP Board of Generals na isinumite sa office of the president sa pamamagitan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Pinalitan ni General Mapagu bilang bago AFP Vice Chief of Staff si LT. Gen. Nestor Ochoa na magreretiro na sa lunes.
Pumalit namn sa kanya bilang bagong Army chief si Major general Arturo Ortiz na isa sa mga natitirang Medal of Valor awardees.
No comments:
Post a Comment