Friday, July 23, 2010

NEWS ARTICLE July 19, 2010

July 19, 2010

Dagdag budget para sa environmental para sa Environmental Projects

Hinikayat ng non-government policy organization ang kasalukuyang administrasyon na mas mag-invest sa mga environmental projects.

Binanggit ni La liga policy institute environment campaigner Jonathan Ronquillo ang isang daan at siyam na Protected areas at National Parks na nakatatanggap lamang ng budget na umaabot sa isang daan at limampung piso hanggang tatlo daang piso.

Sinabi niya na ang budget na ito ay kailangang kunin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Office of the Secretary.

Iginiit pa niya na dapat taasan ng isang porsiyento ang taunang budget ng DENR para sa ahensiya upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa sa nasabing ahensiya.




July 19, 2010

Palasyo, umaasa sa pagpapatuloy ng “PEACE TALK”

Ipinahayag ng pamahalaan ang pagiging positibo ng ng gobyerno sa muli nilang pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang matigil ang apatnapung taon ng hindi pagkakaunawaan sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Adviser on the peace process Teresita “Ding” Deles na umaasa sila na ang sinasabing “Peace Talk” na ito ay ganap na sisimulan sa susunod na buwan.

Ayon sa kanya nasa proseso pa sila ng paghahanap ng bubuo sa Government Peace Panel at hindi pa ito pinal.

Idinagdag pa niya na ang kanilang hinahanap ay Representatives ng major constituency at may malawak na pang-intindi tungkol sa aayusing problema.

No comments:

Post a Comment