BIR-BOC magsasampa ng kaso laban sa mga tax evaders at smugglers
Nagbabala si International Revenue Commissioner Kim Jacinto Henares tugkol sa mga tax evaders at smugglers na magsasampa sila ng kaso ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs lingo lingo.
Sinabi ni henares na hindi gagawa ng anumang kumpurmiso ang gobyerno sa mga tax evaders at smugglers.
“We do not file small cases, It will be a major case” dagdag pa niya.
Hinikayat rin niya ang mga tao na magbayad ng tama at sapat na buwis upang maiwassan ang demanda laban sa kanila.
DOH: Ang kakulangan ng suplay ng tubig ay magdudulot ng sakit sa mga tao
Ipinahayag ng Department of health ang patuloy na kakulangan ng tubig sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ay maaring magdulot ng sakit tulad ng diarrhes, skin diseases at gastro-intestinal diseases.
Ayon kay DOH program manager for emerging and re-emerging diseases Dr. Lyndon Leesuy, ito ay dahil sa nagiging mahirap para sa mga tao na pangalagaan at panatilihin ang kalinisan sa kanilang katawan at kapaligiran.
Sinabi pa niya na maaari rin itong pagmulan ng sakit na Influenza A (H1N1) na maaring kumalat sa pag-ubo at sipon ng tao.
Nilinaw naman niya na sa ngayon ay wala pang nakikitang outbreak ng virus.
No comments:
Post a Comment